Giao diện
TeguNews
Thế giới

Retiradong seaman, nagbibigay-pugay sa mga marinong Pinoy sa paraan ng sining

Matapos ang mahigit dalawang dekadang paglalayag sa iba't ibang bahagi ng mundo, nakahanap si Cristhom "Dodoy" Setubal ng bagong paraan upang maikuwento ang buhay ng mga Pilipinong marino-- bilang isang visual artist.

GMA News Philippines4 phút đọc

Retiradong seaman, nagbibigay-pugay sa mga marinong Pinoy sa paraan ng sining

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hulyo 8, 2026 12:06am GMT+08:00 SINULAT NI: SHERYLIN UNTALAN, GMA News Matapos ang mahigit dalawang dekadang paglalayag sa iba't ibang bahagi ng mundo, nakahanap si Cristhom "Dodoy" Setubal ng bagong paraan upang maikuwento ang buhay ng mga Pilipinong marino-- bilang isang visual artist.Matapos magretiro bilang seaman, isa na ngayong maritime instructor at visual artist si Setubal na inilalaan ang bagong yugto ng kaniyang buhay sa pagpapanatili ng mga kuwento ng mga Pinoy na patuloy na nakikipagsapalaran sa karagatan.

Ang kaniyang mga likhang-sining ay hindi lamang pagpupugay sa propesyong humubog sa kaniyang buhay, kundi maging sa hindi mabilang na Pinoy seafarers na madalas ay hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala sa kanilang mga ginagawang sakripisyo.Sa panayam ng GMA Pinoy TV, binalikan ni Setubal ang kaniyang paglalakbay na nagsimula sa Iloilo, na ang pagiging marino ay tila talagang landas na tatahakin niya."So, 'yung sa Iloilo, let's accept the fact na maraming seaman na Ilonggo.

So, I've been influenced by mga neighbor, mga seaman, may mga pinsan. And then, you tend to, you go with the flow. Ginusto ko na talaga mag-seaman," kuwento ni Setubal.

Sinimulan niya ang kaniyang karera sa maritime industry noong 1998 bilang deck cadet, at unti-unting umangat ang ranggo niya matapos ang maraming taon niya sa serbisyo."I started 1998 as a cadet. It took me like three shifts pa na average nine months as a cadet before I took the examination as a third mate.

Or five shifts as third mate, and after that, a second mate or three shifts, and then naging chief mate," pagbabalik-tanaw niya.Ang bawat promosyon o pag-angat niya sa puwesto ay may kaakibat umano na mas mabigat na responsibilidad."Paiba-iba ang struggle, paiba-iba ang command ng trabaho.

Kasi pag bago na posisyon mo, mabago din ang responsibility," paliwanag niya.Proud seafarerPara kay Setubal, malaking karangalan ang maging isang Pilipinong seafarer."If you're a Filipino and a Filipino seaman at that, na 'pag ayusin mo 'yung trabaho mo, na at least proud ka, you tend to receive some commendation sa ibang lahi na, 'Uy, Filipino ka.'

So, parang proud ka na Filipino ka, na seaman ka," kuwento niya.Misyon matapos magretiroTulad ng marami, naging malaking pagbabago sa buhay ni Setubal ang nangyaring COVID-19 pandemic"COVID came, parang na-seal 'yung decision to stay. Kasi parang mahirap na sa barko…

and then I came to embrace na okay lang sa Pilipinas,” saad niya.Sa halip na tuluyang iwan ang propesyon, pinili niyang tumulong sa paghahanda ng susunod na henerasyon ng mga marinong Pinoy."Somebody has to retire, somebody has to replace someone.

So, for me, parang maganda na pinre-prepare mo 'yung way sa mga new bridge," aniya.Paghubog sa susunod na henerasyonTinanggap ni Setubal ang alok ng dalawang kumpanya upang maging shipboard training officer, kung saan ginabayan niya ang mga deck cadet habang nasa barko pa rin."Two companies offered me to be a shipboard training officer.

You came on board, and mga walo or six na mga deck cadets yung kasama ko. So, I tend to teach on board with them," paliwanag niya.Para kay Setubal, ang pagbabahagi ng kaalaman ay kasing halaga rin ng pamumuno sa isang barko."

So, parang pine-prepare mo sila na in the future, they will become officers also… Hindi ka lang sa profession mo, pero nag-prepare mo 'yung papalit sa inyo," patuloy niya.Pagpipinta ng buhay sa dagatMatagal nang bahagi ng buhay ni Setubal ang sining, bago pa man siya magretiro."

Actually, as early as maliit pa ako, elementary… And then nang sumakay ako, I think mga 2018 nag-start na nagdadala na talaga ako ng drawing book, 'yung mga sketch pad. During my free time, I sketch and sketch," pagbahagi niya.

Humantong ang hilig niya sa sining sa kaniyang kauna-unahang solo exhibition sa Museum of Philippine Maritime History ng National Historical Commission of the Philippines.Pinamagatang "Soul Sailing, Sailing Sole," tampok sa eksibisyon ang isang art installation na ginawa mula sa mga lumang suwelas ng sapatos na ginamit ng mga seafarer."It is an installation of soles, 'yung suwelas ng sapatos.

So, pinapalutang ko siya, and then it's worn by the seafarers because ito 'yung pinagtatapon nila sa training center… Iniipon ko 'yan, and then ginawan ko ng installation," paliwanag niya.Kasama rin sa mga ipinakita ang mga larawang ipinadala mismo ng mga seafarer."

So, nag-send sila sa akin… then parang 'yan ang pinaka-contribution ko sa kanila. So, it's a little tribute sa kanila," ani Setubal.

Para kay Setubal, layunin ng kaniyang sining na bigyang-pugay ang mga taong tahimik at patuloy na kumikilos para gumalaw ang pandaigdigang kalakalan at ekonomiya ng Pilipinas."'Yung panalagaan natin 'yung maritime treasures natin, 'yung mga karagatan, at saka 'yung maritime, 'yung mga seaman. So, bigyan din natin sila ng parangal o kaunting pasasalamat na contribution nila, na nainangat nila 'yung hindi lang ekonomiya kundi '

Đọc thêm từ Thế giới