Giao diện
TeguNews
Thế giới

OFW, ikinuwento ang 'engkuwentro' sa 2 hayop na 'deadly' ang amoy sa Canada

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakabase sa Canada ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa isang uri ng hayop na wala sa Pilipinas at naglalabas ng masamang amoy kapag nakadama ng panganib--ang skunk.

GMA News Philippines2 phút đọc

OFW, ikinuwento ang 'engkuwentro' sa 2 hayop na 'deadly' ang amoy sa Canada

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hunyo 25, 2026 2:27am GMT+08:00 SINULAT NI: GMA News Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakabase sa Canada ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa isang uri ng hayop na wala sa Pilipinas at naglalabas ng masamang amoy kapag nakadama ng panganib—ang skunk.Sa ulat ni Kuya Kim Atienza sa GMA News 24 Oras noong Miyerkules, napahinto si Keane Tan nang makita niya ang dalawang skunk sa labas ng kaniyang apartment habang pauwi."

Minamalas nga naman talaga oh. Dami daming makakasalubong, ito pa," saad ni Keane sa kaniyang video.Isa sa mga ito ang balak pang lumapit sa kaniya kaya binalak niyang itaboy pero hindi niya ginawa."

Dito kasi sa Canada, parang common knowledge na 'pag may nakita kang skunk, stay away, 'wag bugawin, 'wag gulatin," kuwento pa niya. "Hintayin mo lang silang umalis kasi 'pag umutot sila, 'yun nga, deadly 'yung utot nila."Kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang maghintay na umalis na kusa ang mga hayop.

Ayon kay Kuya Kim, ang mga skunk ay nocturnal at crepuscular, o aktibo sa gabi, dapit-hapon, o madaling-araw."During the day, natutulog lang sila sa kanilang mga den. Ang mga skunks ay gising sa gabi para maiwasan nila ang mga malalaking predators such as eagles and wolves," sabi ni Isaiah Gray Fernandez, isang wildlife biologist.

Madalas mapagkamalang pusa o kahawig ng pusa, ang mga skunk ay kabilang sa pamilyang Mephitidae, mga mammal na kilala sa kanilang napakaunlad na scent glands na kayang magbuga ng mabahong likido bilang depensa laban sa mga kaaway.Ayon kay Fernandez, itinataas muna ng skunk ang buntot nito bilang babala. Kapag hindi pa rin umalis ang banta, saka nito ibinubuga ang mabahong likido.

Kaya nilang tamaan ang target na hanggang 12 talampakan ang layo at maaari pa nilang ipatama sa mata ng kalaban.Nagmumula ang masangsang na amoy nila sa mga sulfur compound na tinatawag na thiols. Inihahambing ang amoy nito sa bulok na itlog, sirang bawang at sibuyas, at sunog na goma."

Mahirap tanggalin ang thiols dahil ang mga molecules nito ay madaling kumapit sa balat, damit, at buhok," ani Fernandez. "Hindi rin sila basta basta nahuhugasan kasi hindi sila water-soluble o natutunaw sa tubig just like mantika."Sa Pilipinas, may lokal ding hayop na gumagamit ng mabahong amoy bilang depensa—ang pantot o Palawan stink badger.

Matatagpuan lamang ito sa Palawan at kilala sa paglalabas ng napakabahong amoy upang mapaalis ang mga hayop na maaaring umatake o manghuli rito. Ginagamit din nila ang amoy na ito upang markahan ang kanilang teritoryo.Mayroon itong mahahabang kuko na ginagamit sa paghuhukay ng lupa, paghahanap ng mga freshwater crab na kinakain nito, at paghahanap ng maliliit na insekto.

—Nika Roque/FRJ GMA NewsRELATED STORIES Mag-asawa na tubong-Pampanga, nasawi sa paddle boarding accident sa Canada 2 Fil-Canadian, pinaghahanap sa Canada dahil sa AI-driven retail fraud Pinay, nagwaging borough mayor sa Montreal, Canada Mag-asawa na tubong-Pampanga, nasawi sa paddle boarding accident sa Canada 2 Fil-Canadian, pinaghahanap sa Canada dahil sa AI-driven retail fraud Pinay, nagwaging borough mayor sa Montreal, Canada

Đọc thêm từ Thế giới

항생제 내성 대응, 이제는 이행과 성과의 단계다 [건강한겨레]
Thế giới

항생제 내성 대응, 이제는 이행과 성과의 단계다 [건강한겨레]

본문건강한겨레건강칼럼항생제 내성 대응, 이제는 이행과 성과의 단계다 [건강한겨레]수정 2026-06-25 05:00펼침기사를 읽어드립니다Your browser does not support theaudio element.0:00기고항생제 내성 대응은 보건복지부, 질병관리청, 식품의약품안전처, 농림축산식품부, 해양수산부, 기후에너지환경부 등 여러 부처가 따로 움직여서는 풀 수 없는 다부처 과제다. 국무총리급 범정부 관리체계를 통해 목표를 정하고, 예산을 통합 운영하며, 매년 성과를 직접 점검해야 한

The Hankyoreh
브렉시트 10년, 현재 진행형인 이유 [세상읽기]
Thế giới

브렉시트 10년, 현재 진행형인 이유 [세상읽기]

본문사설.칼럼칼럼브렉시트 10년, 현재 진행형인 이유 [세상읽기]수정 2026-06-25 05:00펼침기사를 읽어드립니다Your browser does not support theaudio element.0:00지난 20일 영국 런던에서 열린 유럽연합 재가입 촉구 집회에서 한 시민이 ‘재가입’ 푯말을 들고 있다.

The Hankyoreh
나승엽, 8회말 역전 적시타…롯데, 3년 만에 7연승 질주
Thế giới

나승엽, 8회말 역전 적시타…롯데, 3년 만에 7연승 질주

본문스포츠야구·MLB나승엽, 8회말 역전 적시타…롯데, 3년 만에 7연승 질주김양희기자수정 2026-06-25 05:00펼침기사를 읽어드립니다Your browser does not support theaudio element.0:00염경엽 LG 감독은 통산 700승 달성롯데 자이언츠 나승엽이 24일 부산 사직구장에서 열린 2026 KBO리그 엔씨(NC) 다이노스와 안방 경기에서 8회말 역전 적시타를 치고 기뻐하고 있다.

The Hankyoreh
‘특수부대 교사’ 대신 환대의 박수…박달중이 보여준 ‘교권 회복’의 다른 길
Thế giới

‘특수부대 교사’ 대신 환대의 박수…박달중이 보여준 ‘교권 회복’의 다른 길

본문사회교육‘특수부대 교사’ 대신 환대의 박수…박달중이 보여준 ‘교권 회복’의 다른 길박정연,이우연기자수정 2026-06-25 05:00펼침기사를 읽어드립니다Your browser does not support theaudio element.0:00운동장을 함께 걷고 칭찬을 먼저 전하는 교사들박달중학교 학생들이 이규철 교장에게 쓴 손편지.

The Hankyoreh