Miyembro ng LGBTQ community, natagpuan patay at duguan sa Bukidnon
Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang miyembro ng LGBTQ community sa isang bakanteng lote sa Malaybalay City, Bukidnon.

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hulyo 28, 2026 10:20pm GMT+08:00 SINULAT NI: GMA News Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang miyembro ng LGBTQ community sa isang bakanteng lote sa Malaybalay City, Bukidnon.Sa ulat ni James Paolo Yap sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing mga tauhan ng Civil Security Unit ng Bukidnon Provincial Capitol ang nakakita sa bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa Barangay Poblacion dakong 7 a.
m. nitong Lunes.Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na huling nakitang buhay ang biktima dakong 2 am sa nabanggit ding araw sa Bukidnon Provincial Capitol na may kasamang isang lalaki.
Ayon kay Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) spokeseperson, Police Major Joann Navarro, may nakakita sa biktima na kasamang umalis ng isang lalaki at nagtungo sa isang lugar na malapit sa Purok 1.Pagkaraan ng isang oras, bumalik umano ang lalaki sa lugar kung saan ito namamalagi at inamin sa isang kaibigan na napatay niya ang biktima.Ngunit sa halip na sumuko, tumakas ang suspek.
Inireport naman ng kaibigan ng suspek ang insidente sa mga tauhan ng Civil Security Unit (CSU), kaya natagpuan ang bangkay nito na duguan ang ulo at nakababa ang shorts.Ayon kay Navarro, posibleng hinampas o pinukpok ng matigas na bagay ang ulo ng biktima kaya puno ito ng dugo nang matagpuan.Tukoy na ang pagkakakilanlan ng suspek na patuloy na tinutugis.
Sa isang social media post, nag-alok naman si Malaybalay City Councilor Jason Chad Ayala ng P30,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang suspek.Sinisikap pa ng GMA Regional TV One Mindanao na makuhanan ng pahayag ang pamilya ng biktima.—FRJ GMA NewsRELATED STORIES Senior citizen na papunta sa korte, patay sa pamamaril sa Iloilo 2 lalaking nakatambay sa gilid ng daan, patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Pangasinan 4-anyos na lalaki, patay nang ma-trap sa nasusunog na kuwarto; 6-anyos na tiyuhin, sugatan Senior citizen na papunta sa korte, patay sa pamamaril sa Iloilo 2 lalaking nakatambay sa gilid ng daan, patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Pangasinan 4-anyos na lalaki, patay nang ma-trap sa nasusunog na kuwarto; 6-anyos na tiyuhin, sugatan
Đọc thêm từ Thế giới

The garden vegetables that love warm weather and you don’t need to replant every year
Experts reveal the perennial vegetables that are much less work than annual crops

Cracker Barrel CEO steps down after rebrand cost company $94 million in one day
The company lost $94 million in one day last year after a disastrous rebrand sparked MAGA backlash

Paris Opera Ballet's Korean principal Park Sae-eun to lead gala performance in Seoul
As noted by Cho Joo-hyun, artistic director of the 23rd Overseas Korean Dance Stars Invitational Gala, the homeland holds a special meaning for Korean dancers performing on the world's leading stages. This summer, Korean ballet artists from prestigious international companies wil

Naga Munchetty shares five-word reason for leaving BBC Breakfast
Naga Munchetty shares five-word response on BBC Breakfast departure