Mga buto ng tigre na natagpuan sa isang kuweba sa Palawan, patunay na gumala sila noon sa Pilipinas
Natuklasan sa loob ng isang kuweba sa Palawan ang mga fossil o buto ng tigre na nagpapatunay na minsang gumala sa isla ang pinakamalaki at mailap na pusa sa mundo. Base sa isang pag-aaral na inilathala kamakailan sa Cambridge Archaeological Journal, maaaring nangyari ito 20,000 t

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hulyo 29, 2026 12:57am GMT+08:00 SINULAT NI: GMA News Natuklasan sa loob ng isang kuweba sa Palawan ang mga fossil o buto ng tigre na nagpapatunay na minsang gumala sa isla ang pinakamalaki at mailap na pusa sa mundo. Base sa isang pag-aaral na inilathala kamakailan sa Cambridge Archaeological Journal, maaaring nangyari ito 20,000 taon na ang nakalilipas.
Ayon sa ulat ni Kuya Kim sa "24 Oras" nitong Martes, ang mga fossilized na buto ay natuklasan noong 2016 sa Pilanduk Cave sa Quezon, Palawan.Sa loob ng ilang taon, masusing sinuri ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines Diliman, National Museum of the Philippines, at ng komunidad ng mga katutubong Palawan ang mga labi bago nila nakumpirma na ang mga buto ay pag-aari ng Panthera tigris o tigre.Ayon sa pangunahing may-akda ng pag-aaral na si Dr.
Janine Ochoa, isang archaeologist at associate professor sa University of the Philippines School of Archaeology, na ang tigre ay kilala bilang "harimaw" sa ilang bahagi ng Malaysia at Indonesia."Halimaw sa Filipino, malamang ito ay hiram na salita mula sa salitang harimaw. Siya ay isang malaki, mabilis, malakas at matalino klase ng tigre," paliwanag ni Ochoa.
Ipinapakita sa natuklasan ang pinakamaagang ebidensya na likas na nanirahan ang mga tigre sa Palawan noong sinaunang panahon."Sa Palawan lang siya natin nakikita. May kinalaman 'yon doon sa kaniyang biogeographic history.
Malapit kasi yung Palawan sa isla ng Borneo at noong matandang panahon ay meron ding tigre sa Borneo. So maaring nakatawid 'yung tigre mula Borneo hanggang Palawan," sabi ni Ochoa.Sa siyam na fossil ng tigre na sinuri, natuklasan ng mga mananaliksik na tatlo sa mga buto ay may bakas ng paghiwa, na nagpapahiwatig na maaaring kinatay o pinroseso ang mga ito ng mga sinaunang tao."
Mayroong tatlong buto na nakakitaan natin ng bakas ng paghiwa o pagkatay. Base sa ganitong ebidensya, pinagpapalagay natin na maaaring ginamit ng sinaunang tao sa Palawan 'yung mga bahagi ng katawan ng tigre. Partikular, maaaring 'yung balat o paa," pahayag niya."
Maaaring may pagkilala 'yung mga sinaunang tao sa Palawan doon sa pagiging makapangyarihan ng tigre. Pero kung ano 'yung partikular na dahilan, hindi talaga natin matutukoy," dagdag niya.Ayon pa kay Ochoa, mahalaga ang naturang natuklasan hindi lamang dahil ito ang pinakamatandang katibayan sa pagkakaroon ng mga tigre sa Palawan, kundi dahil ito rin ang pinakamaagang archaeological evidence na nagpapakita kung paano posibleng ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang ilang bahagi ng hayop."
Napaka-importanteng discovery nito dahil una nga ito ang pinakamatandang ebidensya natin na nagkaroon ng tigre sa Palawan 20,000 taon na ang nakakaraan. Ito ay matatagpuan sa lupaing ninuno ng mga Palawan sa Maasin, Quezon," sabi ni Ochoa."At itong pagkakatuklas na ito ay napaka-importante rin para sa kanilang komunidad.
Ito 'yung pinakamatandang archaeological evidence natin ng ganitong klase pagtrato o pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng katawan ng tigre." —Jade Veronique Yap/FRJ GMA NewsRELATED STORIES Guro, inatake ng 2 estudyante nang dahil umano sa hikaw; insidente, nakita ng iba pang mag-aaral One Meal a Day o OMAD diet, ligtas bang pampapayat? Dating OFW, pumaldo ng P97.
9-M jackpot sa PCSO-Mega Lotto 6/45 Guro, inatake ng 2 estudyante nang dahil umano sa hikaw; insidente, nakita ng iba pang mag-aaral One Meal a Day o OMAD diet, ligtas bang pampapayat? Dating OFW, pumaldo ng P97.9-M jackpot sa PCSO-Mega Lotto 6/45
Đọc thêm từ Thế giới

‘Evidence’ of Taguig anomalies now with Ombudsman – Lacson
Sen. Panfilo “Ping” Lacson on Tuesday said pieces of evidence gathered by his office about alleged anomalies behind infrastructure projects in Taguig City, the political bailiwick of Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, are now with the Ombudsman. “This morning, we turned

Fines for illegal campfires in B.C. top $21,000 over the weekend
Over the weekend, B.C. Conservation officers conducted campfire ban patrols across several regions and said that, unfortunately, numerous illegal fires were discovered.

Speed cameras in Saskatchewan to return to ticketing soon, SGI says
Saskatchewan drivers' speeds will be tracked, once again, Saskatchewan Government Insurance said, adding that it has secured a new speed camera vendor.

Minnesota Vikings suspend defensive backs coach Gerald Alexander after DWI guilty plea
Gerald Alexander's blood alcohol level was more than twice the Minnesota legal limit, leading to a guilty plea and and a three-week team suspension.