Hinagpis ng grupo ng motor taxi rider sa pagholdap at pagpaslang sa mga kabaro nila: 'Bakit papatayin?'
Inihayag ng tagapangulo ng grupo ng motorcycle taxi riders ang kaniyang matinding pighati at galit matapos ang mga nakaraang insidente ng pagpatay at pagholdap sa mga kabaro nila. Kamakailan lang, dalawang motor taxi riders ang magkasunod na nabiktima ng mga kriminal na nagpangga

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hulyo 17, 2026 4:17pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA News Inihayag ng tagapangulo ng grupo ng motorcycle taxi riders ang kaniyang matinding pighati at galit matapos ang mga nakaraang insidente ng pagpatay at pagholdap sa mga kabaro nila. Kamakailan lang, dalawang motor taxi riders ang magkasunod na nabiktima ng mga kriminal na nagpanggap na mga pasahero.
“Isang nakakapighati at nakakagalit na sitwasyon mula sa aming hanay dahil magkasunod ang pangyayari na 'yan; Na para bang akala mo ang buhay ng MC Taxi Rider ay ganu’n ganu’n na lang kung kitilin nila,” sabi ni Romeo Maglunsod, chairperson, Motorcycle Taxi Community Alliance sa panayam sa kaniya ng Super Radyo dzBB nitong Huwebes.“Parang walang nagpoproteksyon sa panahon na ito, ‘yon ang pakiramdam namin. Naghahanapbuhay ka nang parehas, hindi ka makaramdam ng proteksyon sa gobyernong pinaglilingkuran mo,” dagdag niya.
Mga kakulanganIpinunto ni Maglunsod ang kakulangan sa seguridad ng mga rider, lalo ang mga bumibiyahe sa mga alanganing oras gaya ng madaling araw. Ayon sa kaniya, marami nang motorcycle taxi rider ang nahoholdap pero hindi nagrereklamo.“Hindi na bago sa amin ang panghoholdap.
Pero ang papatayin ka pa, nakakarimarim na po masyado,” sabi niya.BASAHIN: Kumakayod nang patas na motorcycle taxi rider, patay sa saksak ng kaniyang pasahero; motorsiklo niya, tinangayAyon pa kay Maglunsod, ilan sa mga lugar kung saan talamak na nabibiktima ng kriminal ang mga MC taxi rider sa gabi ay sa C6, Taguig at Cavite dahil sa kakulangan ng mga CCTV at police visibility.Nangamba siya na posibleng wala nang MC taxi rider ang bumiyahe tuwing gabi.
“Darating sa punto na ‘yun kasi naghahanapbuhay po kami para umuwing buhay. Hindi para umuwing patay,” patuloy niya.BASAHIN: 1 pang motorcycle taxi rider, hinoldap at pinatay ng kaniyang pasahero na holdaper palaPagdating naman sa mga ride-hailing application, sinabi ni Maglunsod na may ilang hindi istrikto tungkol sa paghingi ng face recognition, mga government ID at karagdagang impormasyon ng mga pasahero.
Sa panig ng mga MC taxi rider, itinuturo umano nila sa kanilang mga kagrupo na iseguro rin ang kanilang mga sarili, at ibaba ang mga pasahero sa tamang lokasyon, o sa tapat ng bahay, barangay, o opisina, at maliwanag na lugar.Ipinapanukala rin ng grupo ni Maglunsod ang pagkakaroon ng mga MC taxi rider ng camera at GPS bilang proteksyon sa sarili.Sa gitna ng panayam, hindi napigilan ni Maglunsod na maging emosyonal at maiyak tungkol sa kalagayan at pangamba ng mga MC taxi rider.
“Bakit ganu’n? Naghahanapbuhay lang ‘yung tao nang parehas. Bakit papatayin?
‘Yun ang masakit. Paano kung ako ‘yun?,” saad niya.
“Kunin niyo na lang ‘yung pera. Kunin na lang ‘yung pinagpaguran. Huwag na ‘yung buhay.
Maawa naman sila sa driver. May pamilya ‘yung tao, may anak. Papatayin mo, naghahanapbuhay nang maayos,” saad niya.
Nanawagan si Maglunsod sa mga awtoridad tungkol sa mas mahigipit na seguridad para maprotaktahan ang mga MC taxi rider.“‘Pag nagsumbong ba kami pakikinggan ba kami agad? Maglalabas ba sila ng task force?
Maglalabas ba sila ng mga kapulisan? Wala eh. Hanggang iyak lang kami.
Ang mga pamilya namin lumuluha lang,” patuloy niya.“Ang sakit lang po sa pakiramdam na parang… Ba’t ganu’n, lumabas lang ako para maghanapbuhay.
‘Yun na pala ‘yung huling biyahe ko,” sabi pa ni Maglunsod. LIVE sa DZBB: Romeo Maglunsod, Chairperson, Motorcycle Taxi Community Alliance, kaugnay sa dalawang motorcycle taxi riders na pinatay ng kanilang pasahero📻: 594 kHz AM band📡: https://t.co/Jl7zdr26Yg💻: https://t.
co/Jy4ATG1v0v▶️: https://t.co/Cl273HR6hS pic.twitter.
com/PNpcTZA52O— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 16, 2026 -- FRJ GMA NewsRELATED STORIES Babaeng humabol sa jeep para makasakay, nabundol at pumailalim sa truck Tuta, sinaktan sa harap ng camera ng isang vlogger 'forda content' Ano ang pros at cons sa intimate wedding ceremonies? Babaeng humabol sa jeep para makasakay, nabundol at pumailalim sa truck Tuta, sinaktan sa harap ng camera ng isang vlogger 'forda content' Ano ang pros at cons sa intimate wedding ceremonies?
Đọc thêm từ Thế giới

Trump has no good escalation options left against Iran
In a moment of brazen hubris in the Oval Office last year, US President Donald Trump railed at Ukrainian President Volodymyr Zelensky. He accused Zelensky of not being thankful for US support in Ukraine’s existential struggle against invading Russian forces, and famously told him

India’s Quantum Leap: From Ancient Philosophy to Post-Quantum Cryptography
Read this essential guide to demystify the complex world of quantum computing and learn how India is navigating the paradigm shift.

Study explores potential of abandoned quarries in Chennai to augment water sources
Researchers, including those from IIT-M, are assessing nearly 25 quarries in city’s southern fringes; the study focuses on evaluating the feasibility of linking them to the nearest water supply network

Kerala Revenue Minister says State aims to ensure title deed for all eligible individuals
Minister says about 5,000 title deeds will be distributed across the State as part of UDF government’s 100-day action plan