Grade 9 student, sinaksak ng isa ring estudyante sa San Carlos City, NegOcc
Isang Grade 9 student ang sugatan matapos saksakin ng Grade 10 student sa San Carlos, Negros Occidental. Ang suspek at biktima, parehong 17-anyos.

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hunyo 25, 2026 3:51am GMT+08:00 SINULAT NI: GMA News Isang Grade 9 student ang sugatan matapos saksakin ng Grade 10 student sa San Carlos, Negros Occidental. Ang suspek at biktima, parehong 17-anyos.
Sa ulat ni Aileen Pedreso sa GMA Regional TV One Western Visayas, sinabing nagtamo ang saksak sa sikmura ang biktima at isinugod sa ospital.Nangyari ang insidente sa labas ng eskuwelahan noong June 23, 2026.Ayon sa pulisya, naipaalam pa ng biktima sa kaniyang guro na nakatanggap siya ng pagbabanta.
Pinayuhan umano ng guro ang biktima na huwag nang lumabas ng paaralan, ngunit umalis pa rin siya ng campus matapos ang klase at doon na nangyari ang insidente.Sinabi ng pulisya, kasama ng biktima ang kaniyang mga kaibigan nang mangyari ang insidente. Ngunit ang biktima lamang ang inatake ng suspek, na naaresto rin ng mga awtoridad.
“Ang victim, involved siya sa grupo-grupong away. May sinabi siya na ang kanilang kaaway ng grupo is nandyan raw sa mall. On his way there, nasaksak siya ng suspek, which is also a minor,” ayon kay Police Lt.
Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office sa Negros Island Region.Ayon naman kay Police Capt.
Rodney Sarona, Deputy Chief ng San Carlos City Police Station, sinabi ng suspek sa mga awtoridad na ang biktima umano ang unang nanuntok sa kaniya at gumanti lamang siya.“Bale ang biktimang ito, hinabol raw niya ang suspek. May nangyari raw na suntukan, gumanti ito sa suspek,” sabi ni Sarona.
Paiigtingin umano ng pulisya ang seguridad sa loob at labas ng eskuwelahan.“Iyan ang isang concern, especially sunod-sunod na sya. Nakita natin ng may something sa mga kabataan.
We have to review,” ani Malong.Sinabi ng Department of Education (DepEd) sa Negros Island Region na nagpatawag na sila ng pagpupulong kasama ang mga magulang ng biktima at ng suspek.Nangyari ang insidente sa San Carlos City kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City noong Hunyo 22, 2026, na tatlong estudyante ang nasawi at ilan pa ang nasugatan.
Kapwa menor de edad ang dalawang suspek sa nasabing pamamaril, na may edad na 14 at 15 taong gulang, at nakakuha umano ng mga baril. – FRJ GMA NewsRELATED STORIES Matet De Leon sa online bashers: 'Ang tunay na kaaway ay kayo' OFW, ikinuwento ang 'engkuwentro' sa 2 hayop na 'deadly' ang amoy sa Canada Atasha Muhlach matapos makuha ang Annie Batungbakal role: 'I'm entering a new family' Matet De Leon sa online bashers: 'Ang tunay na kaaway ay kayo' OFW, ikinuwento ang 'engkuwentro' sa 2 hayop na 'deadly' ang amoy sa Canada Atasha Muhlach matapos makuha ang Annie Batungbakal role: 'I'm entering a new family'
Đọc thêm từ Thế giới
Scorer nesten som Haaland: Sveits-sensasjonen (20) snøt Canada
20 år gamle Johan Manzambi scoret sitt tredje VM-mål og hadde målgivende på Sveits første scoring.
Berg-familien har prøvd gang etter gang. Til slutt gikk det. – Steike ta, det er artig!
OSLO/GREENSBORO: Lille Norge har hatt noen dynastier: Tenk på «The Stoltenbergs» i politikken, Reitan-karene i…

Woman in critical condition after early morning crash in Calgary
A woman was rushed to hospital in critical condition on Wednesday after the vehicle she was driving crashed into several parked vehicles in the southeast community of Dover.

July Fourth: Where to get the best meal deals for America 250
The US is celebrating the 250th anniversary of the signing of the Declaration of Independence this year