DNA ng 3 magkakapatid na higit 100 taon ang edad, pag-aaralan sa Brazil
Kinilala ang tatlong magkakapatid na babae sa Brazil ng Guinness World Records bilang pinakamatandang magkakapatid na trio sa mundo, na umabot sa 316 ang pinagsama-samang edad.

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hunyo 26, 2026 7:48pm GMT+08:00 SINULAT NI: GMA News Kinilala ang tatlong magkakapatid na babae sa Brazil ng Guinness World Records bilang pinakamatandang magkakapatid na trio sa mundo, na umabot sa 316 ang pinagsama-samang edad.Sa ulat ng GMA News Feed, ipinakita sina Zulina de Deus Nunes, Zoraide de Deus Mota, at Levita de Deus Nunes, na may pinagsamang edad na 316 taon at 302 araw, ayon sa LongeviQuest, isang organisasyong nagtatala at nagsasaliksik tungkol sa human longevity o mahabang buhay.
Pinakamatanda sa tatlo si Levita, na 109-taong-gulang na ngayon, sinundan siya ni Zoraide na 104-taong-gulang, at ang bunso si Zulina, na 103-taong-gulang.Sinabi ng magkakapatid, malaking bagay ang malusog na pagkain at pagiging aktibo sa pagkakaroon ng mahabang buhay.Kuwento ni Zulina, lumaki siyang lumalangoy at nangingisda sa ilog.
Kaya naman sariwa ang halos lahat ng kanilang kinakain noon dahil wala pa silang refrigerator.Ipinunto naman ni Zoraide ang kahalagahan ng pag-breastfeed sa kanila ng kanilang ina noon.Pero bukod sa kanilang world record, pag-aaralan din ng mga scientist ang kanilang DNA para matulungang masagot kung ano nga ba ang sikreto sa mahabang buhay.
Parte ang magkakapatid ng DNA Longevo Project, isang pag-aaral na pinamumunuan ng scientist na si Mayana Zatz mula sa University of São Paulo. Layunin ng proyekto na tuklasin ang mga biological at genetic factors na maaaring may kaugnayan sa pagtanda at mahabang buhay.Umaasa ang mga researcher na makatutulong ang pag-aaral sa DNA ng magkakapatid para maunawaan kung bakit may mga taong nananatiling malusog, matalas ang pag-iisip, at physically active kahit lampas 100 taong gulang na.
Gusto ring malamang ng mga scientist kung gaano kalaki ang papel ng genetics kumpara sa lifestyle at environment sa mahabang buhay.Nakatakda rin nilang pag-aralan kung may mga namamanang katangian na nakatutulong para maprotektahan ang puso, mga kalamnan, at cognitive function laban sa epekto ng pagtanda.—Jamil Santos/FRJ GMA News
Đọc thêm từ Thế giới

Europe heatwave swamps hospitals, halts parties
BERLIN — Authorities banned alcohol and major weekend festivities as a deadly European heatwave was forecast to shift east on Friday, choking 150 million people under 35C temperatures. Medics in Britain and France warned hospitals were struggling with the heat and a surge in emer

Lionel Richie forced to postpone concerts following health scare
‘All Night Long’ singer, 77, was hospitalized after the incident

EXPLAINER: Do adopted children have inheritance rights under Philippine law?
Do adopted children have the right to inherit from their adoptive parents under Philippine law? The answer is yes -- but only if the adoption was legally completed.

Lewis Hamilton off the pace as Mercedes dominate practice at Austrian GP
Championship leader Kimi Antonelli topped the time sheets ahead of team-mate George Russell.