Bangkay ng lalaki sa closed van na tadtad ng saksak, natuklasan dahil sa tagas ng dugo sa Maynila
Patay at duguan nang matagpuan ang isang lalaki na tadtad ng saksak sa loob ng nakaparadang closed van sa isang bodega sa Tondo, Maynila. Ang bangkay, nadiskubre ng ibang trabahador nang tumagas ang dugo ng biktima.

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hulyo 7, 2026 5:30pm GMT+08:00 SINULAT NI: GMA News Patay at duguan nang matagpuan ang isang lalaki na tadtad ng saksak sa loob ng nakaparadang closed van sa isang bodega sa Tondo, Maynila. Ang bangkay, nadiskubre ng ibang trabahador nang tumagas ang dugo ng biktima.
Sa ulat ni Jhomer Apresto sa GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabing natuklasan ng caretaker ng bodega ang bangkay nang makita ang tumagas na dugo ng biktima mula sa van nitong Sabado.Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, Biyernes ng gabi nang huling nakitang buhay ang biktima na pahinante sa bodega at nakipag-inuman sa ibang katrabaho.“Nag-iinuman ‘tong mga ‘to tapos nung mga bandang alas 9 pm, bumalik na ‘tong biktima natin kasama yung ibang kainuman.
After mag-dinner, tumuloy na ‘tong biktima natin kung saan siya natutulog kung saan nga doon sa may closed van,” ayon kay Police Major Dave Garcia, hepe ng Homicide Section, Manila Police District.Sa kuha ng CCTV video, may nakitang isang lalaki na trabahador din sa bodega na nagpunta sa closed van na kinaroroonan ng biktima. Sunod nito ay madidinig na ang mga sigaw.
Ilang minuto pa ang nakalipas, lumabas na ang suspek mula sa bodega at umalis. Pero bumalik siya kinabukasan at pumasok pa sa trabaho.Pero nakauwi na ang biktima bago matuklasan ang katawan ng biktima sa van.
Kaagad na dinakip ng mga pulis ang suspek sa kaniyang bahay.Ayon sa pulisya, may kinalaman sa trabaho ang pinag-awayan ng suspek at biktima ilang buwan na ang nakalilipas.Nalaman din ng pulisya na dati nang nasangkot sa katulad na krimen ang suspek sa Guimaras na at kanila na itong beneberipika.
Mahaharap ang suspek sa kasong murder na wala pang pahayag. – FRJ GMA News
Đọc thêm từ Thế giới
EU disrupts network flooding Europe with fake China-made condoms
The bloc’s anti-fraud office said it had seized products in Romania, Serbia and Spain.
Why Gracie Abrams has raised eyebrows with Taylor Swift wedding post
Gracie Abrams raises eyebrows with Taylor Swift wedding post: ‘Babes I love you but this is weird’

Joshua Pacio 'more complete' ahead of ONE rematch vs Malachiev
MANILA, Philippines— ONE Strawweight champion Joshua Pacio believes he is a more complete fighter heading into his title rematch against Mansur Malachiev on Friday at Lumpinee Stadium in Bangkok. Pacio will defend his belt against the Russian wrestler nearly two years after handi