Alagang aso, 'sinalo' nga kaya ang sakit ng kaniyang furmom?
Kinaantigan ng netizens ang video ng pamamaalam ng isang pamilya sa kanilang alagang aso na si "Stormi." Ang aso, nanghina rin umano matapos magkasakit ang kaniyang furmom. Sinalo nga kaya ng aso ang sakit ng kaniyang amo?

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hulyo 30, 2026 9:50pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA News Kinaantigan ng netizens ang video ng pamamaalam ng isang pamilya sa kanilang alagang aso na si "Stormi." Ang aso, nanghina rin umano matapos magkasakit ang kaniyang furmom.
Sinalo nga kaya ng aso ang sakit ng kaniyang amo? Tunghayan ang kanilang kuwento.Sa video ni Margie Guinihin, na iniulat sa GMA News Feed, mapanonood ang maluha-luhang pagyakap ni Margie sa kaniyang alagang aso na si Stormi, matapos hindi makakuha noon ng inaasam niyang concert ticket.
Ngunit hindi niya alam na ito na pala ang isa kaniyang mga huling yakap sa kanilang alaga.Kuwento ni Margie, napansin na lamang ng kaniyang Mama Myla na tila natutumba na noon si Stormi.Kalaunan, namaalam na sa kanila ang itinuturing nilang “bunso” sa pamilya.
“Stormi, mahal na mahal ka ni Mama. Salamat din, inalagaan kita nang limang taon,” emosyonal na mensahe ni Mama Myla kay Stormi.Ayon kay Margie, hindi nagkaroon ng malalang sakit si Stormi na laging kalaro at nakabuntot kay Mama Myla.
Pero nagbago ang lahat nang magkaroon si Mama Myla ng Stage 4 Nasopharyngeal Carcinoma, na isang rare type ng cancer sa ulo at leeg.Kasunod nito, ang dating hyper at masayahin na si Stormi, tumamlay at tila nawalan daw ng ganang kumain.Kasabay ng pag-deteriorate ng katawan ni Mama Myla, labis din ang pagpayat ni Stormi.
“Nakikita niya ‘yung paghihirap ni Mama. Kapag aalis si Mama for her follow-up treatment, tapos sasakay siya ng ambulance, naiiyak si Stormi tapos iba ‘yung tahol niya iba,” kuwento ni Margie.Dinala nila sa beterinaryo si Stormi, at ginawa ng pamilya ang lahat para maibalik sa dating sigla ng aso.
Gayunman, nagpatuloy ang panghihina ni Stormi.Hanggang sa isang araw, dumating na ang kanilang kinatatakutan nang pumanaw na si Stormi.“Salamat, dalhin mo na ‘yung sakit ko.
Stormi, dalhin mo na ‘yung sakit ni Mama,” emosyonal na mensahe ni Mama Myla sa kanilang alaga habang yakap niya ito."We do believe that Stormi sacrificed his life for Mama. There's no proof if totoo po 'yung 'salo,’ but we believe in that.
He couldn’t bear to see our mama in pain, so he sacrificed,” sabi naman ni Margie.“Sabi siguro, ‘Kawawa si Ate kapag nawala si Mama. Ako na lang po ang kunin ninyo,’” sabi ni Mama Myla.
Mahirap para sa pamilya ni Margie na mag-move on sa pagkawala ng kanilang “bunso” sa pamilya/Gayunman, habambuhay mananatili sa kanilang puso si Stormi na nagdala ng saya sa kanilang pamilya.—FRJ GMA News
Đọc thêm từ Thế giới
Palestine Action can appeal terror ban at the Supreme Court
Thousands of people have been arrested over support for pro-Palestine group


Bengaluru: Month after daycare abuse case, revised guidelines to monitor them yet to be issued
A month after the incident involving the abuse of children by caretakers at a daycare centre operating within the campus of a major IT firm, the Karnataka State Commission for Protection of Child Rights (KSCPCR) is yet to draft and release revised guidelines for monitoring privat

GBA’s plantation drive draws 236 requests for over 43,000 saplings ahead of deadline
In addition, citizens living outside the GBA limits have requested 13,565 saplings, the data shows.